Hinaing ng mga Nigeria OFWs

This was last year 2007 efforts. And still no answer.

—————————-

Kagalanggalang at pinagpipitagang mga Lingkod ng Bayan,

Ikinagagalak po namin ang pagtawag ninyo sa amin bilang mga MODERN DAY HEROES. Bilang mga BAGONG BAYANI nawa eh pakinggan ninyo at paglaanan ng panahon itong aming mga sinasabi

  1. Correct me if I’m wrong, Pilipinas lang ang bukod tangi at nag iisang bansa ang naglabas ng TOTAL BAN papunta dito sa Nigeria. Kung sa bawat bansa na may makikidnap ay magpapalabas kayo ng Ban sa pangunguna pa naman ni Kabayang NOLI eh siguro marapat din na mag BAN kayo sa ibang bansa. Tama po ba? Nung nakaraang lingo ay may namatay na pinay sa Canada, o bakit di kayo mag impose ng Ban doon para maipakita sa ating mga kababayan sa Pilipinas na CONCERN kayo sa aming mga OFW. Siguro sasabihin ninyo na isolated case iyon. Eh kung sabihin din natin na ang nangyari kay G. Bacani ay isolated case din.

I doubt kung sakaling may ma rape sa Saudi ay mag impose kayo ng Ban doon. I doubt kung sakaling may namatay sa UAE ay mag impose kayo ng Ban doon.

  1. Sa bilang ng OFW sa lugar ng Niger Delta siguro eh maaaring meron na makasama na Pinoy sa makikidnap. Ratio and Proportion po, ganun kasimple. Pero bakit ang ibang mga nasyon ay di naglalabas ng total ban. May namatay po nung nakaraan na isang British National, pero bakit hindi sila naglabas ng ganyang kautusan. ILL- ADVISED.

  1. Kasabay ng pagkidnap kay G. Bacani ay nasawimpalad at namatay ang isa nyang kasamahan na Columbiano, PERO BAKIT hindi sila (Columbian Govt.) nag impose ng ban para sa mga overseas workers nila na nandito? Kayo lamang na mga administrador – Vice Pres, DOLE, POEA, NBI ang bigla biglang nagpalabas ng ganyang kautusan.

  1. Ang mga tao po dito sa embahada natin ay di man lamang hiningan ng inputs bago kayo nag implement ng ban na yan. May mga kasama po kami na nagtanong muna sa mga tao ng Embassy kung mag ba BAN ba, ng sa ganun eh hindi sana sila muna magbabakasyon gaya ng nangyari nung Pebrero ng taong ito. Since nagbigay sila ng GUARANTEE na hindi naman daw, sumulong ang iba naming kasamahan. Sa puntong ito lumalabas na TRINAYDOR sila. Nasaan sila, andun sa kanilang mga bahay, dumadalangin na sana ma-lift ang BAN. May iniaabot ba naman ang gobyerno sa kanila pra pangtustos sa kanilang araw araw na gastos. Saan sila ngayon kukuha ng pambayad sa eskwela, ang baon ng mga bata, ang pang monthly amortization sa bahay, sasakyan or lupa?

  1. Sa ginawa po ninyong ito ay inalisan nyo ng karapatan na magkaroon ng oportunidad na magtrabaho at iangat ang antas ng aming mga sariling buhay. Para kaming mga bata na inagawan ng kendi, buti sana kung may TOBLERONE kayong ipapalit dito, pero WALA naman. Ang nangyari tuloy ay napipilitan ang mga kumpanya na kumuha ng ibang lahi para sa sana eh mga posisyon at trabaho para sa Pilipino.

  1. Sabi ni Sen. Mar Roxas sa kanyang kolum sa ABANTE, “Payong kapatid lamang, siguro’y mas mainam na dito na lamang kayo makipagsapalaran sa ating bayan.”. Ang malaking katanungan po para sa amin ay kung sakali bang umuwi kami ng Pilipinas, may naghihintay bang trabaho para sa amin? May mga programa bang nakalaan para sa amin? Base sa nakaraang pag impose ninyo ng ban nung February 2007, may napala ba yung mga na-stranded dyan sa atin? May nakuha ba sila mula sa ipinagmamalaking OWWA, POEA at DOLE, wala po, ni SINGKONG DULING!

Madali pong sabihin para sa kanya dahil sa estado ng kanyang buhay. Pero naranasan na ba nyang pumila sa mga agency sa Malate, Singalong…Sa dami ng nag aapply gusto nyo bang makidagdag pa kami doon?

  1. Ang nangyayari na pagkidnap sa Niger Delta ay di natin pwedeng ikumpara sa sitwasyon ng Jolo, Sulu. Unang una, dito po ay ganitong sequenze ang nangyayari KIDNAP-RANSOM-RELEASE. Mas mainam pa rin kung tutuusin kesa sa pamumugot ng ulo na ginagawa ng mga bandido sa atin. Kahit po ang gobyerno ng America sa aking pagkakaalam (correct me again if I’m wrong) ay di naglabas ng Total Ban na magpunta dyan ang kanilang mga citizens, manapay isang ADVISORY LAMANG. Ano ang mararamdaman ninyo kung ang i-impose nila ay TOTAL BAN sa kahit saang sulok ng Pinas kasi magulo sa Sulu lamang.

Dito, inimpose nyo na buong Nigeria samantalang sa iisang lugar lang may nagaganap na kidnap for ransom na sitwasyon. Kung ikukumpara naman sa atin di hamak na dito di ka maga alala na ma-snatch ang celfone mo. Di ka kinakabahan pag naglalakad ka sa kalye na baka may holdaper. Subukan nyo pong magpunta dito para makita at maranasan nyo ang aming mga sinasabi. Ika nga ni Kasamang Manny G. Figueroa, bukas ang kanyang bahay para sa inyo.

  1. Ngayon, kung talaga naman na di na kayo matitinag sa inyong desisyon, siguro (I don’t know If everybody will agree with my proposal here), Papirmahin nyo na lang kami ng waiver, any OFW who will go to NIGERIA is obliged to sign it. Waiver na magsasabing kung may mangyari sa amin dito ay wala kayong sagutin. DAHIL SA TOTOO WALA NAMAN TALAGA KAMING AASAHAN SA INYO. Ano po ba ang napapala namin sa pagkuha ng OEC (Overseas Employment Certificates) ? Maliban sa libreng Kape sa airport, nakakatipid lang kami ng mga 600 siguro. (700 po kasi ang tax pag walang OEC minus 100 kaya 600 hindi pa kasama dito ang pamasahe at pagkain sa pagpunta sa POEA Centers). Isipin nyo din po na sa bawat bakasyon namin na kukuha kami nyang OEC ay isang araw ang nawawala sa amin.

Since tinuturing nyo rin naman na kami eh BAGONG BAYANI, sana maramdaman namin yun. Ikaw nga ni Sen. Roxas sa banding huli mas mainam pa rin ang gawa kaysa saita. Siguro panahon na rin na bigyan nyo kami ng proteksyon. Ito ang panahon para kayo ay magpa POGI. Dahil kayo ay mga mambabatas, bakit di kayo bumalangkas ng mga programa para sa mga OFW.

Muli po, correct me if I’m wrong kung ang mga sasabihin ko ay mali or ang mga programang aking babanggitin ay existing na pala. Ito ay sa kadahilanang hindi ko alam na meron na pala,or hindi lang siguro nabigyan ng wastong kaalaman ukol dito.

  1. Ang bawat OFW na umaalis ay natitigil ang pagbabayad ng SSS, maliban na lamang kung ikaw ay boluntaryong maghuhulog nito. Siguro dapat nating paalalahanan ang mga agency na i-discuss ito sa mga taong pinapaalis nila, dahil saying naman yung mga ilang taong paghuhulog mo tapos mababalewala na dahil di ka naman na inform. Maaari din naman sigurong i-obliga ng ating batas na magbabayad din ang OFW kaalinsabay ng pagbabayad ng kumpanyang kanyang pagta trabahuhan. Di po ba sa atin ay ganyan ang kalakaran, ang kumpanya at ang empleyado ay parehas na may share sa contributions. Bakit hindi rin natin ito gawin para sa mga BAGONG BAYANI?

  1. Sa kawalan ng proteksyon, marami pong cases na ang mga properties ng isang OFW (kotse, bahay, lupa) ay nahahatak ng bangko. Kahit pa sabihin halimbawa na 3 buwan na lamang ang di mo pa nahuhulugan, walang awa nila itong hahatakin. Sana po magkaroon naman ng kaunting konsiderasyon para sa isang BAYANI na tulad namin. Kaunting flexibility kumbaga. Alam kong maraming factor kayo na i-co consider pero sana mabigyan nyo ng panahon na pag aralan ito.

  1. Ang ibang mga nasyon na nagtatrabaho sa ibang bansa ay may mga insurances na kasama sa benefits nila dahil obligado ang kumpanya na mag provide nito. Bakit ang Pilipinas ay walang ganito?

  1. Ang embahada po ng Pilipinas sa Nigeria ay nasa Abuja samantalang ang entry point po ng mga OFW ay nasa Lagos (ang pamasahe po papunta dito ay humigit kumulang sa 100 US Dollar or 4400 pesos). Siguro yung nabanggit ni Se. Roxas na budget ay maaari nyang ilaan dito. Maglagay ng kahit isang munting opisina sa Lagos.

  1. Bigyan ng proteksyon ang buying power ng OFW. Isarado sa 50 pesos = 1 dollar hanggat di tumataas ang dollar rate.

  1. Bigyan ng wastong kaalaman ang mga OFW tungkol doon sa MULTIPLE OEC? Sa mga di po nakakaalam, meron daw na multiple OEC, ibig sabihin kung sa loob ng isang taon ay 2 o mahigit pa na lumalabas ka ng bansa, pwede ka ng kumuha ng maramihan nito. Meron nga ba nitong multiple OEC? Bakit di ini-explain or ipost man lang sa mga POEA Centers? Kung ang isang OFW ay may 15 days na bakasyon, 1 araw nito ay gugugulin nya sa pagpunta sa POEA para makakuha ng OEC. Bakit hindi po kaya natin ilagay yung POEA for 24 hours operation sa NAIA. Yung tipong paglabas namin ng eroplano ay pwede ka ng kumuha ng OEC. Yung sinasabi ni Sen Roxas na dagdag na budget eh siguro pwedeng ilaan sa mga empleyado na magta trabaho sa ganitong purpose.

Pagkalampas po ng Customs sa NAIA sa banding kanan ay may booth doon ang POEA, nakasulat po na napakalaki 24-HOURS ON DUTY. Ng itanong ko sa Security Guard, eto ang kanyang sagot “Ay hanggang 5pm lang po sila”. Kalimitan po 10 or 11 PM dumadating ang mga OFW na galing sa Nigeria, kaya siguro marapat na totohanin ang ganitong programa na 24 HOURS na may POEA para dun na kami kukuha ng OEC. Sayang din naman kasi ang oras, pagod sa pagbyahe at gastos sa pagpunta sa POEA sa Ortigas or sa mga branches nila. Tama po ba?

Sana mabigyan nyo ng pansin itong aming hinaing. Salamat po. Yun lang.

Nagmamahal,

PBB (Pilipino Bagong Bayani)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s