Kapit sa patalim ng immigration

At least, mayroong Nigeria OFW na sumulat patungkol sa Immigration natin.

====

http://www.gmanews.tv/story/135557/Kapit-sa-patalim-ng-immigration

Kapit sa patalim ng immigration

11/25/2008 | 03:41 PM

Maagang pagbati po ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon.

Suportahan ko lang po yung ibinahaging liham ni Charry ng Singapore. Tama ang sinabi niya na lagayan sa immigration para makabalik kami rito sa Nigeria ay 12,000.00 php. Kababalik ko lang ulit nitong October at anim na beses akong umuuwi sa loob ng isang taon kaya anim na beses din akong naglalagay sa immigration.

Malaki na po ang kinita nila sa akin at malaki rin naman ang naitulong nila sa akin. Kailangan naming patulan o kunsintihin ang immigration dahil kailangan kong bumalik sa trabaho para may ipangtustos sa pamilya ko.

Wala ng kinikita ang POEA dahil hindi na kami nagbabayad ng OEC at PHILHEALTH, sa madaling sabi immigration fee lang ang problema namin para makabalik dito sa Nigeria.

Sana mabigyan pansin naman ng ating gobyerno na alisin na ang ban to Nigeria para naman maging legal ang pagbalik namin dito.Hindi namin lubos maisip bakit kailangan i-total ban ang Nigeria gayung wala namang kaguluhan o giyera.

Oo nga’t may nakidnap dito noon na mga Pinoy, sila ay mga sea worker na nadedestino sa ibat- ibang bahagi ng mundo. Nagkataon lang na nabiktima sila na napakalayo naman sa pinagtatrabahuhan namin. At meron ding nakidnap na isang Pinoy na nakalaya rin naman agad at isang babae na nakidnap daw na hindi naman totoo.

Hindi naman siguro dapat pagbasehan yun para ideklara ng pamahaaan na gawing total ban ang pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa Nigeria. – GMANews.TV

Salamat po GMA Kapuso,

Nigel

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s