Pananaw tungkol sa Nigeria travel ban

Ambag na pananaw ni Pastor Billy, a.k.a. ang Carlo Magno ng Lekki, halaw sa baul po daw ng Mga Kwentong Lasing Part 3.

Hindi mayaman ang OFW

We have this notion na ‘pag OFW o nasa abroad ay mayaman na. Hindi totoo yun. A regular OFW might earn from P50K-P300K per month depende sa lokasyon. Yung mga taga Australia, Canada, Kazakstan or US siguro ay mas malaki ang sweldo, lalo na daw mga taga Nigeria but to say that they’re rich is a fallacy (amen!).

Malaki ang pangangailangan kaya karamihan ay nag-a-abroad.  Maraming bunganga ang kailangang pakainin kaya umaalis ang mga pipol sa Pilipinas. Madalas, 3/4 o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuition ng anak at gastusin ng pamilya.

Mahirap maging OFW –

Kailangan magtipid hangga’t kaya. Oo, masarap ang pagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo at itlog lang tinitira para makaipon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan eh ang conversion ng Peso sa Dollar o Euro o Rial o Naira. Mas okay na magtiis sa konti kaysa gutumin ang pamilya. Kapag umuuwi, kailangan may baon kahit konti kasi maraming kamag-anak ang sumusundo sa airport o naghihintay sa probinsya. Alam mo naman ‘pag Pinoy, yung tsismis na OFW ka eh surely attracts a lot of kin.

Kapag hindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at sisiraan ka na. Well, hindi naman lahat pero I’m sure sa mga OFW dito eh may mga pangyayaring ganun. Magtatrabaho ka sa bansang iba ang tingin sa mga Pinoy. Malamang marami ang naka-experience ng gulang o discrimination to their various workplaces. Sige lang, tiis lang, iniiyak na lang kasi kawawa naman pamilya pag umuwi.

Besides, wala ka naman talagang maasahang trabaho sa Philippines ngayon.Mahal ang bigas, ang gatas, ang sardinas, ang upa sa apartment. Tiis lang kahit maraming kupal sa trabaho, kahit may sakit at walang nag-aalaga,kahit hindi masarap ang tsibog, kahit pangit ang working conditions, kahit delikado, kahit mahirap. Kapag nakapadala ka na, okay na, tawag lang, “hello! kumusta na kayo?”.

Hindi bato ang OFW –

Tao rin ang OFW, hindi money o cash machine. Napapagod rin, nalulungkot (madalas),nagkakasakit, nag-iisip at nagugutom. Nakukulong pa nga. Naaakusahan pang mga magnana kawkaw pa minsan. Kailangan din ang suporta ng taga Embassy, kundi man physically, emotionally o spiritually man lang.

Tumatanda rin ang OFW –

Sa mga nakausap at nakita ko, marami ang panot at kalbo na. Most of them have signs and symptoms of hypertension, coronary artery disease and arthritis. Yet, they continue to work thinking about the family they left behind. Marami ang nasa abroad, 20-30 years na, pero wala pa ring ipon. Kahit anong pakahirap, sablay pa rin. Masakit pa kung olats rin ang sinusuportahang pamilya ? ang anak adik o nabuntis; ang asawa may kabit. Naalala ko tuloy ang sikat na kanta dati, “NAPAKASAKIT  KUYA EDDIE!”

Bayani ang OFW ?

Totoo yun! Ngayon ko lang na na-realize na bayani ang OFW sa maraming bagay. Hindi bayani na tulad ni Nora Aunor o Flor Contemplacion. Bayani in the truest sense of the word. Hindi katulad ni Rizal o Bonifacio. Mas higit pa dun, mas maraming giyera at gulo ang pinapasok ng OFW para lang mabuhay. Mas maraming pulitika ang kailangang suungin para lang tumagal sa trabaho lalo na’t kupal ang mga kasama sa trabaho. Mas mahaba ang pasensya kaysa sa mga ordinaryong Tongresista o  Sinador sa Pilipinas dahil sa takot na mawalan ng trabaho at lalo na po, dahil sa pasado kami sa psychotest.

Matindi ang OFW ?

Matindi ang Pinoy. Lalo na daw ang mga Naija Pinoy. Matindi pa sa daga, o cockroaches  which survived the cataclysmic evolution. Alang sinabi iyang Malarya, ang Kidnapping, Armed Robber sa Inay Gyera, Armed Robbers sa Eh May Grasya NAIA. Sisiw lang mga iyan. Maraming sakripisyo pero walang makitang tangible solutions or consequences na ginagawa ang OWWA/POEA/DOLE at DFA.

Malas ng OFW, swerte ng pulitiko ?

Lalo na si Money Bilyar. Hindi umuupo ang OFW para magbigay ng autograph o interbyuhin ng media (unless nakidnap!). Madalas nasa sidelines lang ang OFW. Kapag umaalis, malungkot and on the verge of tears. Kapag dumadating, swerte ‘pag may sundo( madalas meron). Kapag naubos na ang ipon, wala ng kamag-anak.

Sana sikat ang OFW para may boses sa Kamara. Ang swerte ng mga politiko nakaupo sila at ginagastusan ng pera ng Filipino. Hindi nga sila naiinitan o napapaso ng langis, o napagagalitan ng amo, o kumakain ng paksiw para makatipid, o nakatira sa compound with conditions less than favorable, o nakikisama sa ibang lahi para mabuhay. Ang swerte, sobrang  swerte nila.

Matatag ang OFW ?

Matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo ni Hingalo Reyes o kung ano pang grupo na alam nyo. Magaling sa reverse psychology, negotiations at counter-attacks. Tatagal ba ang OFW? Tatagal pa kasi hindi pa natin alam kailan magbabago ang Philippines , kailan nga kaya? o may tsansa pa ba? Paano na iyan Ate Galo, magsalita ka naman, “Hindi na akow kakandi datung, mandada yaak!!!, magna naku!!! Ahh ewan, basta “I Am Sorry” pero di Worry.

Masarap isipin na kasama mo ang pamilya mo araw-araw. Nakikita mo mga anak mong lumalaki at naaalagaan ng maayos. Masarap kumain ng sitaw, ng bagoong, lechon, inihaw na isda, taba ng talangka. Masarap manood ng pelikulang Pinoy, luma man o bago. Iba pa rin ang pakiramdam kung kilala mo ang kapitbahay mo. Iba pa rin sa Philippines, iba pa rin kapag Pinoy  ang kasama mo (except ‘pag kupal at utak-talangka), iba pa rin ‘pag nagkukwento ka at naiintindihan ng iba ang sinasabi mo. Iba pa rin ang tunog ng “mahal kita!”, “day, ginahigugma tika.” “Mingaw na ko nimo ba,  kalagot!”, ” Inday, diin ka na subong haw? ganahan guid ko simo ba”. Iba pa rin talaga.

Kaya Ang Hinayupak Na Travel Ban Na Yan….Alisin Na!!!

Sige lang, tiis lang, saan ba’t darating din ang pag-asa.

—-

Mula sa panulat nina Kuya Fred Borbon at Kapatid na Carlo Magno

(siempre, may pahintulot)

Jan 24, 2009

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s