Nigeria Pinoys react to news that only Lebanon & Jordan will be lifted

Reaction to this news:

http://www.gmanews.tv/story/155129/Arroyo-orders-lifting-of-ban-on-Lebanon-Jordan

—–


Masamang biro po iyan, na di nakasama ang Nigeria…..


Paano baga ang tunay na pangyayari at  ang pinagbasehan, iyong report na dalang dala ni General Cimatu o naging paraffle na lang baga ang labanan o naging palabunutan na po yata.


Baka naman kaya by alphabet ang naging basehan


Baka kaya ganire din, Jordan Afghanistan Iraq Lebanon Nigeria, at di talaga kasama tayo sa palatuntunan na iyan, saling pusa lamang tayo at wala sa tambiyolo ang ating entry.


Baka din eto nga pala daw ang naging criteria sa pag pili ng mga u.n.g.a.s. (Usapan Na Ginanap Ayon Sa ) BAN sa Nigeria :


progress in the conclusion of a bilateral labor cooperation agreement that will ensure the protection of the welfare of Filipino workers, specifically :


1) mimimum wage

2) reasonable rest periods

3) decent working and living conditions.


Anak ng kagaw, abay nakaka insulto ang mga lintek na eto ahh…


Father Billy, baka kailangan ng sermon ng mga bopols na nag decide nitong mga pangyayari, baka hindi alam ng mga iyan na Washington din ang paswelduhan dito sa Nigeria at di Naira, baka ang pinag basehan nila ay exchange rate ng peso sa currency ng mga bansa. Abay mababa nga naman, pero mali din, kasi, umaabot ang palitan sa ngayon pa lang ng :


1US$ =Naira166.00

1 US$ =JOD70.85 (Jordanian Dinar)

1 US$=LBP1,507.5 (Lebanese Pound)


Sa Rotation naman, ang labanan kapag nasa sa Oil n Gas Company , Engineering, Construction, Offshore, Telecom company ka sa Nigeria ay months, minsan nga ay weeks pa, (6 weeks/2 weeks of; 8 weeks/2 weeks off; 3 months/1 month; 4 months/1 month) hindi taon ang binibilang para ka makabakasyon at makitang muli ang Land of the Servants daw.


Decent condition, oo nga po at madaming ding nag kalat na pulubi sa lansangan at madaming mga pulis na nangongotong tulad sa Pinas, pero andito ang mina ng langis at no.7 sila na supplier, parehas lang ang lasa este presyo ng langis dito sa Jokedan at Libangan na kanilang napusuan kapag ibenenta sa mercado, kahit paputol putol ang supply ng NEPA kuryente dito ay may pangontra namang mga generator, hindi pamaypay ang gamit natin kapag maalinsangan at uso din naman dito ang mga airconditioner,


Ahh, alam ko na po, baka naman ang sinasabi nilang decent condition ay kapag nabihag ka na ng mga kidnapper, tama sila diyan, sa sapa, sa creek sila naka billet , pero nakakapag request din naman ng Indomie, beer at babae pa nga kapag ikaw ay Bitoy at kasama na daw iyon sa overhead ng ransom. Ibang assessment ang napasubmit ni General Cimatu at baka napalitan, parang bidding iyan na nag karoon ng singitan, ang report natin ay doon binasa sa basurahan ng mga komite de peste-jos.


Ay sa siya, kung ganyan po talaga ang lumabas sa tawas, ang Embassy natin sa Abuja ay magpalabas na agad ng kalatas, dapat maging opisyan na iyan at di sa dyaryo po lamang na ang Ban sa Nigeria ay Inay Gyera pa din.


Suggestion ko lang po, kung pupwede ay pasundan na din ninyo ng mga listahan ng mga botante, paki update na lang po ulit kung ang mga tao dito sa buong Nigeria sa listahan na hawak ninyo ay andirito pa, baka kung saan saan na naman baka po mapapunta ang aming mga balota niyan, kami sa Lagos ay andoon sa Port Harcourt katulad noong nag daang election. Gagawin po natin na ma-update ang Master List hanggat maaga pa at hindi iyong isang linggo lamang ang gagawing pag hahanda.


Malalaman natin kung ilang boto ang kanilang ipinag walang bahala, asawa, anak, kamag anak, inaanak at manganganak pa iyan na hindi karapat dapat ang mga nakaupong tagapangalaga ng ating buhay sikmura.


May pag asa pa naman, malayo pa ang election, pero sa ngayon ay walang tibay din pa palang maaasahan.


Regards,



Fred Borbon

Advertisements

6 Responses to Nigeria Pinoys react to news that only Lebanon & Jordan will be lifted

  1. naija pinoy says:

    Magandang umaga po mga OFWs Nigeria. Sa nangyaring assesment sa kalagayan ng bansang kinukunan natin ng kabuhayan,marapat lang sigurong magpalabas agad ng pahayag ang ating embahada sa Abuja.

    Hindi kasiya siya ang naging basehan, wala namang giyera dito,walang bombings di tulad sa Lebanon pero anong hokus pokus ang naganap sating gobyerno?Dahil ba sa libo libong katulong at non-skilled worker ang maipapadala sa bansang Jordan at Lenanon?Di mo masisisi ang Hongkong columnist nasi Chip Tsao sa taguri sating bansa na Nation Of Servants.

    Masakit pero diba me katotohanan naman?Kung ganun ang basehan nila,dapat i lift narin ang ban sa Afghanistan diba?maraming skilled workers ang kailangan duon ngayon.

    Well anyway,anuman ika nga ang mangyari ay patuloy parin tayong uuwi at babalik dito kahit garapalan ang lagayan sa Manila Immigration counter.Ganyan talaga kesa magutom tayo sa Pinas.

    – By Conrad Digma

  2. naija pinoy says:

    Para sa akin, mag travel ban sila ng 100,000,000 X 10E1000 LIGHT YEARS
    integrated to the maximum of 0 to infinity power…

    makakauwi ako sa pinas at makakabalik ako sa trabaho.

    No wahala, no problem…

    Best Regards
    Erwin Herrera
    Abuja Roads Addendum
    Utako District. P.O. Box 453Abuja / FCT-Nigeria
    Phone: +234(0)961-4463

  3. GARY says:

    ANO BANG NANGYAYARI NA HANGANG NGAYON AY WALA PARIN PURO LANG YATA PICTURE ANG GUSTO AT KAINAN HINDI RIN PALA MAAALIS ANG BAN BAKIT YONG LEBANON KAHIT BARILAN NA AY INALIS PARIN ANG BAN ANO BANG MERONG UTAK BEHA YATA ANG MGA BUMISITA DITO

  4. skylark says:

    Isang dahilan bakit di na alis ang travel ban sa Nigeria? kasi alam ng mga “LACOSTE” na immigration officials sa NAIA na malalaki ang pasahod sa bansang Nigeria. Sa madaling sabi hindi mahirap humingi ng lagay sa mga OFW sa Nigeria hindi katulad sa OFW papuntang Lebanon at Jordan halos domestic helper karamihan at nakonkon sensya pang humingi nag padulas ang mga buaya na yan. Harinawa masunog rin sa impyerno lahat ng buaya sa NAIA..

  5. adamn says:

    Hi! GOOD DAY!

    I am connected with the VITA PLUS, a herbal health drink. Produced by Filipinos scientist and businessmen. After many months of intensive medical research and scientific study, DR. JAIME GALVEZ TAN, came up with unique product that combines, for the first time, 5 POWER HERBS (malunggay, dahon ng sili, saluyot, uray and talbos ng kamote) with complete line of vitamins, minerals, micronutrients, fibers, anti-oxidants and phytochemicals.

    I am looking business partner or dealer who can help me to introduce the product globally. BFAD, HALAL and FDA food facility of USA registered. You can reach me at 2130095, 09162673531 and email adamndelta@yahoo.com. Or you can visit our website Firstvitaplus.com for more information.

    It could be an extra income to you.

    I am looking forward to have business with you soon.

    Thanks,

    Adamson V. Diaz
    09162673531/02-2130095
    adamndelta@yahoo.com

  6. I really don’t accept as true with this article. Nonetheless, I had researched with Bing and I have found out that you are correct and I seemed to be thinking in the improper way. Continue producing quality articles like this.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s