Good news to NaijaPinoys – Pagkuha ng OEC

Kamakailan lang, marami nang bali-balita na meron ng mga Naija Pinoys na nabigyan ng OEC. Sa umpisa, ayaw natin maniwala, pero sa dami ng feedback at pagbibigay ng proseso ng mga nakakuha na, atin nakumpirma na namimigay na nga ng OEC ang POEA para sa Nigeria-based OFWs.

Ang Overseas Employment Certidicate (OEC) ay isang patunay na ang isang mangagawa ay lehitimong OFW sa isang bansa. Kapag meron ka nito, wala kang babayaran na Travel Tax at di ka mahaharang ng immigration.

Mula ng ipataw ang ban sa Nigeria, hindi binigyan ng POEA and mga naija pinoys ng OEC.

Subalit sa panibagong patakaran, tinatanggap na ng POEA ang letter of exemption para sa mga Naija OFWs na nagbabakasyon at binibigyan na ulit ng OEC.

Ating malaking pasalamat kay Ginoong Claro Santos sa pagbigay impormasyon para sa kaalaman ng ibang Naijapinoys na magbabakasyon at balak kumuha or magpa-renew ng OEC.

Ayon kay G. Claro, ito ang mga kakailanganin ng Naijapinoys para sa OEC.

  1. Magpunta sa “Balik-Manggagawa” area hanapin si Madame Barbara D. Lamzon, Chief of Balik-Manggagawa Procesing Center at iprisinta ang mga ito:
      • Letter of request for Special Travel Permit/OEC addressed to POEA Administrator Jennifer Jardin-Manalili. Indicate that you want to return to Nigeria from your vacation. Ilagay rin kung ilan taon ka nang nagwo-work sa Nigeria at anong Lugar (Lagos kung maaari.)
      • Attach photocopies of cerpac ID, return visa, employment certificates or other proofs of your employment with the same company like ID, etc.
      • Mas mainam kung naka binder/folder ang lahat para di makawatakwatak.
  2. Kapag okey na kay Madame Barbara, i-endorse ka na kay Mam Jeannete na siyang…
      • magiinterbiyu sa yo
      • magchecheck ng records mo sa computer
      • at gagawa ng approval letter ni Administrator Manal
  3. Tatlong Signatures and kelangan ng papel mo: Si Director Elmira C. Sto, Domingo, si Deputy Admin Viveca C. Catalig at finally si Admin Manalili. Depende sa availability ng tatlo aabutin ang pirmahan ng 1-3 days.
  4. Bago mo lisanin ang mesa ni Madame Barbara, siguruhin mo lang na na-i-transfer na sa office ni Director ang mga papeles mo. Kunin din ang number ng secretary sa bawat station (director, DAdmin at Admin) para alam mo kung kanino magfollow-up.
  5. Ang huling destinasyon ng papeles mo ay balik sa lamesa ni Ma’am Jeannete. Siya na rin ang mageendorse kung saan counter ka magbabayad ng OEC.

Ano-ano ang mga babayaran mo?

POEA PROCESSING FEE – Php  100.00
OWWA MEMBERSHIP – Php   1,203.68
PHILHEALTH – Php  900.00
TOTAL 2,203.68
Para sa taga probinsya, ganito ang naging kwento nga nakukha ng OEC habang nasa probinsya:
Actually, sa poea bacolod ako nagsubmit ng papers ko (request letter addressed to admin manalili, employment certificate, certificate from the philippine embassy abuja, at lahat ng pages ng current passport ko) thru the regional poea coordinator sa bacolod. then, inifax ng poea bacolod sa poea manila lahat ng papers ko. pinafollow- up ko na lang by phone sa poea bacolod araw-araw kung ano status ng request ko. nung august 17, tumawag iyung poea manila sa poea bacolod na gusto daw ako makausap/maintervie w by phone ng poea manila. tinanong lang naman ako kung bakit ko pa gustong bumalik ng nigeria. then iyung ibang records, chinicheck yata nila sa computer/data base nila.

then, inadvise ako ng poea manila na pumunta ng manila to get the original copy ng travel permit at OEC (kasi baka hanapin daw ng immigration iyung original copy), or pwede rin daw na ipadala nila thru mail, kaya lang pabalik na nga ako ng nigeria, so pumunta na lang ako ng manila for a day para kunin iyung mga papers ko. pagpunta ko ng poea sa ortigas, for signature na lang ni admin manalili iyung papers ko. finallow- up ko lang dun sa office nia, buti naman, napirmahan agad. nagbayad lang ako ng usual processing fee sa poea (philhealth, owwa membership fee, etc…, Php 2,203.00) for the OEC. mabilis lang kasi ready na iyung mga papers ko pagpunta ko ng poea, kaya nung hapon na yun, bumalik na rin ako ng bacolod.

maayos naman pagbalik ko dito. wala naman problema sa immigration.

Sa mga bagong development na ito, parang tutuloy na ito sa tuluyang pag ka alis ng ban sa Nigeria.
Kaya sa lahat ng mga gustong mag pa rehistro or mag pa renew sa POEA, basahin at sundin ang mga proseso na sinabi ni G. Claro Santos.
Mabuhay ang Naija Pinoys!

21 Responses to Good news to NaijaPinoys – Pagkuha ng OEC

  1. skylark says:

    Tanong lang po ako kung yung approval ng POEA na makabalik sa Nigeria base sa bilang ng taon na nagtrabaho at lugar kung saan magtatrabaho? Ang pagka alam ko na dapat 10 taong na nagtrabaho at hindi sa Delta State.

  2. Ardel E. Claridad says:

    Sir/Madame:

    Magandang Gabi Po!

    Gusto ko lang po mag Inquire sa inyo kung pwede na bang magtrabaho dyan sa Nigeria.

    Kasi po, may natanggap akong trabaho para sa kompanyang Nigeria Gulf Engineering Limited, at sa lokasyon na Warri, State Delta, Nigeria.

    Ako po ay si Ardel Claridad, Tubong Iloilo City, pero nakatira na dito sa Marikina City, isang Mechanical Engineer.

    Sana po matugunan ninyo ang aking katanungan kasi po, minamadali na nang employeer na makunan ako nang visa sa trabaho.

    Maraming salamat po!

    Ardel E. Claridad
    +639081219190

    • naija pinoy says:

      mula sa isang kababayan sa Shell:

      Kabayan,

      Sa aking opinyon lang ay Hindi Advisable na dalhin pa ang family d2 sa Nigeria Lalo na sa Delta state,

      1st wala naman maganda lugar d2 sa Nigeria para puntahan,

      2nd, kailangan magingat sa kagat ng lamok,

      3rd pede naman magdemand ng rotation na every 6weeks on / 2 weeks off or 9wks on/ 3wks off, para maksama ang pamilya

      4th Buti na un nakakaiwas sa Kidnapping,

      Hindi discouragement to pards paala-ala lang,Ang maganda lang d2 ay sweldo kung okey ang company,Avoid local company if possible, wala akong Idea kung ano company itong Nigeria Gulf Engineering Limited.

      magtatanong tanong pa ako kung okey itong Company na ito, Kung nigerian ang owner nito wala kang maasahan dahil baka di ka mabayaran ng tama,

      Pero meron ng mga pinoy doon, galing sa contractor namin d2 under Hyundai.kung sa security naman, wala kang dapat ipagalala dahil secured ang worksite.

    • anna_macki says:

      hi Ardel E. Claridad

      its a scam… please click this link…
      http://fraudwatchers.org/forums/showthread.php?p=95673.

      naka received din ako nyan…

      goodluck.

  3. naija pinoy says:

    Tanong po natin sa mga kababayan natin na nasa Warri.

  4. Leo2ore says:

    Magandang Tanghali po sa inyong lahat!!!

    Follow up ko lang po yung tanong ng ating kaibigang si skylark..Kung base pa yun sa ilang taon ng nagwowork dito sa Nigeria?
    Inquire ko rin po kung paano maging miyembro nitong organization na ito. Tatlong (3) pinoy kami dito sa Lokoja, Kogi State gusto sana namin maging member.
    Maraming salamat po!!

  5. naija pinoy says:

    basta may CERPAC ka na.

  6. youk says:

    magandang araw po!

    paano mka kuha ng CERPAC? pumunta po kmi d2 turista ang bisa kc ban ang nigeria nung na hire kmi. dalawang taon napo aku d2. nag tuturo po aku ngayon sa kasalukuyan.

  7. yamz says:

    saan kunin ng employer ang CERPAC?

  8. anselmo says:

    Good day,
    I’ve a job offer for CCC nigeria in abuja. Ask ko lang sana about CCC nigeria if it is active? saka kng safe ba ang work place and environment dyan ngayun?
    thanks…

  9. tatis says:

    good day sa lahat,tanong ko lang po sa mga nakabalik na dyan sa nigeria kung madali lang po ba kumuha ngayon ng oec,at ilang days po ba?thanks

  10. doc says:

    Just want to enquire any job postings nearby Lagos or Port harcourt for a mechanic? or any decent job???

    Please reply…thanks

  11. first light says:

    I was hired to work in Nigeria in Jan 2006 thru agency here in Manila, and I was issued a CERPAC by my employer in mid-2006 which they applied in Nigeria. Dahil sa travel ban, inilipat ako ng assignment sa ibang West African country noong July 2007 at dahil doon napaso ang visa ko at CERPAC ko sa Nigeria. From July 2007 to Dec 2009, nasa ibang west african country ako na-assign mag-work but the same employer in Nigeria. Ngayong 2010, pinababalik naman na po ako ng employer sa Nigeria. Ano po bang visa ang dapat kong kunin uli sa Nigerian Embassy dito sa Pinas? TWP po ba or STR? This time po di na po ako under agent since na-expire na po ang contract ng employer ko at ng agent. Therefore, direct hire na po ako. Na-renew na din po ang contract ko with my employer for 2010-2012.

  12. first light says:

    STR po ang sagot. Nandito na po ako sa Lagos at kasalukuyang nag-aaply ng Residence at CERPAC. 3 months po ang validity nung STR ko.

  13. ela17 says:

    I have str visa issued here in manila, Direct hire ako the problem is each company allowed only 10 namehire, the rest dadaan n ng agency. The problem is kylngan n ako ng company and they are requesting me to exit from vietnam to lagos.. would that be possible, pupunta ako sa vietnam as tourists,, tpos dun ako mg eexit papuntang lagos nigeria.. would that be posiible? thanks in advance I hope mk kuha ako ng idea asap…

  14. ela17 says:

    BTY: ung 10 kasmahan ko nk kuha ng OEC as name hire..

  15. First says:

    kuha ka nalang ng agency para mag-asikaso sa yo. may konting fee nga lang. but that’s better than taking the risk at baka ma-travel ban ka pa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s