Good news to NaijaPinoys – Pagkuha ng OEC

August 28, 2009

Kamakailan lang, marami nang bali-balita na meron ng mga Naija Pinoys na nabigyan ng OEC. Sa umpisa, ayaw natin maniwala, pero sa dami ng feedback at pagbibigay ng proseso ng mga nakakuha na, atin nakumpirma na namimigay na nga ng OEC ang POEA para sa Nigeria-based OFWs.

Ang Overseas Employment Certidicate (OEC) ay isang patunay na ang isang mangagawa ay lehitimong OFW sa isang bansa. Kapag meron ka nito, wala kang babayaran na Travel Tax at di ka mahaharang ng immigration.

Mula ng ipataw ang ban sa Nigeria, hindi binigyan ng POEA and mga naija pinoys ng OEC.

Subalit sa panibagong patakaran, tinatanggap na ng POEA ang letter of exemption para sa mga Naija OFWs na nagbabakasyon at binibigyan na ulit ng OEC.

Ating malaking pasalamat kay Ginoong Claro Santos sa pagbigay impormasyon para sa kaalaman ng ibang Naijapinoys na magbabakasyon at balak kumuha or magpa-renew ng OEC.

Ayon kay G. Claro, ito ang mga kakailanganin ng Naijapinoys para sa OEC.

  1. Magpunta sa “Balik-Manggagawa” area hanapin si Madame Barbara D. Lamzon, Chief of Balik-Manggagawa Procesing Center at iprisinta ang mga ito:
      • Letter of request for Special Travel Permit/OEC addressed to POEA Administrator Jennifer Jardin-Manalili. Indicate that you want to return to Nigeria from your vacation. Ilagay rin kung ilan taon ka nang nagwo-work sa Nigeria at anong Lugar (Lagos kung maaari.)
      • Attach photocopies of cerpac ID, return visa, employment certificates or other proofs of your employment with the same company like ID, etc.
      • Mas mainam kung naka binder/folder ang lahat para di makawatakwatak.
  2. Kapag okey na kay Madame Barbara, i-endorse ka na kay Mam Jeannete na siyang…
      • magiinterbiyu sa yo
      • magchecheck ng records mo sa computer
      • at gagawa ng approval letter ni Administrator Manal
  3. Tatlong Signatures and kelangan ng papel mo: Si Director Elmira C. Sto, Domingo, si Deputy Admin Viveca C. Catalig at finally si Admin Manalili. Depende sa availability ng tatlo aabutin ang pirmahan ng 1-3 days.
  4. Bago mo lisanin ang mesa ni Madame Barbara, siguruhin mo lang na na-i-transfer na sa office ni Director ang mga papeles mo. Kunin din ang number ng secretary sa bawat station (director, DAdmin at Admin) para alam mo kung kanino magfollow-up.
  5. Ang huling destinasyon ng papeles mo ay balik sa lamesa ni Ma’am Jeannete. Siya na rin ang mageendorse kung saan counter ka magbabayad ng OEC.

Ano-ano ang mga babayaran mo?

POEA PROCESSING FEE – Php  100.00
OWWA MEMBERSHIP – Php   1,203.68
PHILHEALTH – Php  900.00
TOTAL 2,203.68
Para sa taga probinsya, ganito ang naging kwento nga nakukha ng OEC habang nasa probinsya:
Actually, sa poea bacolod ako nagsubmit ng papers ko (request letter addressed to admin manalili, employment certificate, certificate from the philippine embassy abuja, at lahat ng pages ng current passport ko) thru the regional poea coordinator sa bacolod. then, inifax ng poea bacolod sa poea manila lahat ng papers ko. pinafollow- up ko na lang by phone sa poea bacolod araw-araw kung ano status ng request ko. nung august 17, tumawag iyung poea manila sa poea bacolod na gusto daw ako makausap/maintervie w by phone ng poea manila. tinanong lang naman ako kung bakit ko pa gustong bumalik ng nigeria. then iyung ibang records, chinicheck yata nila sa computer/data base nila.

then, inadvise ako ng poea manila na pumunta ng manila to get the original copy ng travel permit at OEC (kasi baka hanapin daw ng immigration iyung original copy), or pwede rin daw na ipadala nila thru mail, kaya lang pabalik na nga ako ng nigeria, so pumunta na lang ako ng manila for a day para kunin iyung mga papers ko. pagpunta ko ng poea sa ortigas, for signature na lang ni admin manalili iyung papers ko. finallow- up ko lang dun sa office nia, buti naman, napirmahan agad. nagbayad lang ako ng usual processing fee sa poea (philhealth, owwa membership fee, etc…, Php 2,203.00) for the OEC. mabilis lang kasi ready na iyung mga papers ko pagpunta ko ng poea, kaya nung hapon na yun, bumalik na rin ako ng bacolod.

maayos naman pagbalik ko dito. wala naman problema sa immigration.

Sa mga bagong development na ito, parang tutuloy na ito sa tuluyang pag ka alis ng ban sa Nigeria.
Kaya sa lahat ng mga gustong mag pa rehistro or mag pa renew sa POEA, basahin at sundin ang mga proseso na sinabi ni G. Claro Santos.
Mabuhay ang Naija Pinoys!
Advertisements