Reaction to this news:
http://www.gmanews.tv/story/155129/Arroyo-orders-lifting-of-ban-on-Lebanon-Jordan
—–
Masamang biro po iyan, na di nakasama ang Nigeria…..
Paano baga ang tunay na pangyayari at ang pinagbasehan, iyong report na dalang dala ni General Cimatu o naging paraffle na lang baga ang labanan o naging palabunutan na po yata.
Baka naman kaya by alphabet ang naging basehan
Baka kaya ganire din, Jordan Afghanistan Iraq Lebanon Nigeria, at di talaga kasama tayo sa palatuntunan na iyan, saling pusa lamang tayo at wala sa tambiyolo ang ating entry.
Baka din eto nga pala daw ang naging criteria sa pag pili ng mga u.n.g.a.s. (Usapan Na Ginanap Ayon Sa ) BAN sa Nigeria :
progress in the conclusion of a bilateral labor cooperation agreement that will ensure the protection of the welfare of Filipino workers, specifically :
1) mimimum wage
2) reasonable rest periods
3) decent working and living conditions.
Anak ng kagaw, abay nakaka insulto ang mga lintek na eto ahh…
Father Billy, baka kailangan ng sermon ng mga bopols na nag decide nitong mga pangyayari, baka hindi alam ng mga iyan na Washington din ang paswelduhan dito sa Nigeria at di Naira, baka ang pinag basehan nila ay exchange rate ng peso sa currency ng mga bansa. Abay mababa nga naman, pero mali din, kasi, umaabot ang palitan sa ngayon pa lang ng :
1US$ =Naira166.00
1 US$ =JOD70.85 (Jordanian Dinar)
1 US$=LBP1,507.5 (Lebanese Pound)
Sa Rotation naman, ang labanan kapag nasa sa Oil n Gas Company , Engineering, Construction, Offshore, Telecom company ka sa Nigeria ay months, minsan nga ay weeks pa, (6 weeks/2 weeks of; 8 weeks/2 weeks off; 3 months/1 month; 4 months/1 month) hindi taon ang binibilang para ka makabakasyon at makitang muli ang Land of the Servants daw.
Decent condition, oo nga po at madaming ding nag kalat na pulubi sa lansangan at madaming mga pulis na nangongotong tulad sa Pinas, pero andito ang mina ng langis at no.7 sila na supplier, parehas lang ang lasa este presyo ng langis dito sa Jokedan at Libangan na kanilang napusuan kapag ibenenta sa mercado, kahit paputol putol ang supply ng NEPA kuryente dito ay may pangontra namang mga generator, hindi pamaypay ang gamit natin kapag maalinsangan at uso din naman dito ang mga airconditioner,
Ahh, alam ko na po, baka naman ang sinasabi nilang decent condition ay kapag nabihag ka na ng mga kidnapper, tama sila diyan, sa sapa, sa creek sila naka billet , pero nakakapag request din naman ng Indomie, beer at babae pa nga kapag ikaw ay Bitoy at kasama na daw iyon sa overhead ng ransom. Ibang assessment ang napasubmit ni General Cimatu at baka napalitan, parang bidding iyan na nag karoon ng singitan, ang report natin ay doon binasa sa basurahan ng mga komite de peste-jos.
Ay sa siya, kung ganyan po talaga ang lumabas sa tawas, ang Embassy natin sa Abuja ay magpalabas na agad ng kalatas, dapat maging opisyan na iyan at di sa dyaryo po lamang na ang Ban sa Nigeria ay Inay Gyera pa din.
Suggestion ko lang po, kung pupwede ay pasundan na din ninyo ng mga listahan ng mga botante, paki update na lang po ulit kung ang mga tao dito sa buong Nigeria sa listahan na hawak ninyo ay andirito pa, baka kung saan saan na naman baka po mapapunta ang aming mga balota niyan, kami sa Lagos ay andoon sa Port Harcourt katulad noong nag daang election. Gagawin po natin na ma-update ang Master List hanggat maaga pa at hindi iyong isang linggo lamang ang gagawing pag hahanda.
Malalaman natin kung ilang boto ang kanilang ipinag walang bahala, asawa, anak, kamag anak, inaanak at manganganak pa iyan na hindi karapat dapat ang mga nakaupong tagapangalaga ng ating buhay sikmura.
May pag asa pa naman, malayo pa ang election, pero sa ngayon ay walang tibay din pa palang maaasahan.
Regards,
Fred Borbon